Napansin ko talaga at napukaw sa aking damdamin itong palito. Kapag sinisindihan siya, yumuyuko pagkatapos ng apoy. Natry nyo na ba?
Subukan nyo sindihan tapos patapusin nyo ang apoy, around 70-90% chance ang pagyuko.
Subukan nyo sindihan tapos patapusin nyo ang apoy, around 70-90% chance ang pagyuko.
Tayo din, kung nasa apoy tayo ng problema, pagkalito, pagkabahala, marunong tayong yumuko. Actually, hindi lang yung apoy kasama, pati iyong pagkiskis sa gilid ng kahon ng posporo na hinahalintulad sa mga hinanakit, hapdi at kasakitan sa buhay. Ang lahat ng ito’y nagdudulot ng apoy sa buhay! Ngunit ang palito ay yumuyuko!
Ang isang matigas at tuwid na palito ay napapayuko din!
Tulad ng palito, Ang taong marunong manalangin ay yumuko sa harap ng Dios. Wala tayong magagawa kung wala Siya sa puso at buhay natin.
Tulad ng palito, Ang taong marunong manalangin ay yumuko sa harap ng Dios. Wala tayong magagawa kung wala Siya sa puso at buhay natin.
Ang Dios hindi ka Niya bibigyan ng pag-subok na hindi mo kaya. Bago ka matupok sa apoy, ay hihipan na ito ng Panginoong Dios.
At sa pag-ihip Niya sa apoy ay ikaw ay magiging malakas at mapapagtagumpayan ang anumang apoy na dumating sa buhay mo.
Masasabi mo nalang, “Ang lahat ng kabutihan ay galing sa Panginoong Dios, papupurihan ko po Siya dahil sinamahan Niya ako sa oras ng pighati, sa kalungkutan at sa kagipitan ko.”
Tandaan na laging Siya’y pagkatiwalaan dahil siya ay TAPAT mula noon, hanggang sa ngayon at maging kailanman – walang palya! at subok na!
In His presence: we find release, we find hope, we find strength, we find deeper reason to live, to fulfill our mission in life...to serve Him and our fellow human being.
“Answer me when I call to you, O my righteous God. Give me relief from my distress; be merciful to me and hear my prayer." Psalm 4:1